ABS CBN SHUTDOWN – Duterte, Calida, NTC at Kamara sinisisi

Sino po ba talaga ang dapat sisihin sa pagkasara ng ABS CBN? Natapos ang prangkisa at dapat nakakuha ng bago mula sa Kongreso ngunit hanggang ngayon ay wala pa. Ang isang panukalang batas ay naguumpisa sa Kamara pero kupad pagong naman ang pagusad nito at nasa antas pa lamang ng komite. Ang nakakapagtaka dito ay 2014 pa dapat natalakay na ang isyu sa panahong si dating Pangulo Aquino at House Speaker Belmonte pa ang namamayani sa Pilipinas. Pamilyang Aquino ang tumulong para makabalik sa ere ang ABS CBN nuong Presidente si Cory Aquino. Ang problema ay hindi nabigyan ng bagong prankisa ang ABS CBN (2014, 2015 at 2016). Nuon namang kalagitnaan ng 2016, nagpalit na ang Pangulo at hindi pa rin nakagawa ng batas para sa bagong prangkisa. Dahil sa taas ng popularidad ni Pangulong Duterte at sa pagbanat niya sa Kapamilya network, ang pananaw ng mga kalaban ng pamahalaan ay siya ang dapat sisihin. Ayon naman sa Presidential Legal Adviser Panelo, ang Pilipinas ay may 3 magkakahiwalay na sangay – ang ehekutibo na nagpapatakbo ng gobyerno at ipinatutupad ang batas, ang lehislatibo na gumagawa ng batas at ang hudikatura na tagapagbigay kapaliwanagan sa batas. Sa madaling salita, hindi maaring makialam ang Pangulo sa gawain ng Kongreo (Kamara at Senado) at nagiintay lamang siya sa batas na gawa ng Kongreso na binigyang kapangyarihan ng ating Saligang Batas sa aspeto ng pagpasa ng mga batas.

abs karen panelo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s