Sa unang araw ng pagdinig ng ABS CBN franchise issue, nagsalita ang Pangulo ng Kapamilya network na si Carlo Katigbak. Sa panig naman ng laban sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS CBN, sabi ni Congressman Marcoleta na sandamakmak daw ang paglabag ng Kapamiya sa mga nakasaad sa Saligang Batas, sa marami pang mga batas at mismong sa mga alituntunin ng prangkisa.
Ang ilan sa mga natalakay na paglabag ay hinggil sa 100% Filipino ownership and management, labor laws (ENDO), maximum franchise life of 50 years, single franchise ngunit maraming frequency ang ginamit, POLITICAL BIAS in national elections, pinagkaperahan ang mga palabas at black box maski gamit nila ay free to air frequency at tax avoidance o TAX EVASION. Bilang halimbawa, pinakita ni Cong Marcoleta ang mga 2017, 2018 at 2019 corporate tax payments ng GMA 7 at ABS CBN. Sa tatlong taong mga iyon, ang GMA 7 ay nagbayad ng lagpas tag ISANG BILYONG PISO sa kada taon habang nuong 2017 ay 421 MILYONG PISO lang ang binayad ng Kapamilya at sa 2019 naman ay 152 MILYONG PISO lang. Sabi ng ABS CBN na NALUGI daw sila nuong 2018 kaya WALA silang binayarang income tax. Sapagkat nalugi sila, nagkaroon pa sila ng 84 MILYONG PISONG TAX CREDIT na magagamit o nagamit nila pambayad sa sumunod o mga susunod na taon.
Mahirap yata mapaniwala ang taongbayan na nalugi pa ang ABS CBN. Saka higit na mas malaki ang negosyo ng Kapamilya sa Kapuso kaya dapat mas mataas din ang nabayaran ng ABS CBN sa mga buwis ng tatlong naturang mga taon. Mukhang BILYONBILYONG katanungan ang dapat sagutin ng Kapamilya, kaya pala puro PA-AWA ang ginagawa nilang paraan para makuha ang damdamin ng ga Pinoy. Ngayong lumabas na sa publiko ang ganitong balita, mahihirapan na ang mga BAYARANG Kongresista na panindigan ang kanilang pagkasipsip nila sa ABS CBN sapagkat mabibisto sila ng mga botante.