Mga PEKENG DDS problemado agad sa QC

qc mar leni joy sb vargas

Ilang araw palang sa bagong pamunuan ng Joy Belmonte term of office bilang mayora ng Quezon City, may hinaharap na siyang malaking suliranin. Ilang dosenang manggagawa sa Novaliches District Hospital ay TINANGGAL sa trabaho sa simpleng rason na mga contractual lang naman sila. Malayo ito sa nagaganap sa mga bagong pamunuan sa Pasig (Sotto) at Maynila (Moreno) kung saan binibigyan ng kahalagahan ang naiambag ng mga kawani maski pa naitalaga sila sa lungsod ng mga nakalipas na administrasyon.

Sa Quezon City, pangako ng bagong mayora nuong kampanya na LILINISIN niya ang Quezon City mula sa mga nakapasok sa trabaho sa panahon ng pinalitan niyang si Bistek Bautista na nagsilbi ng siyam na taon. Sa madaling salita, hinusgahan na ang mga empleyado na ang puso at damdamin nila ay kumikiling sa kaaway niyang si Bistek (maski pa magkapartido sila sa ilalim ng tatay ni Joy na si SB). Hindi binigyan ng pagkakataon ang mga SINIBAK na mga contractual na maipakita kung may naging  mabuti silang work record at job performance.

Pumunta si mayora ngayong araw sa Novaliches District Center na kasama pa ang kapwa niyang DILAWAN na bumalimbing din na si Cong Alfred Vargas ng District 5, Quezon City. May problema din ang bagong itinalaga ni mayora na Medical Director sa NDH. Maayos man niya ang gusot sa mga manggagawa, mahihirapan siya ilaglag ang manok niya na ginawang pinuno sa NDH.

 

About pinoynews4

blogger

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s