Duterte – DILG Mafia: Buhay na Buhay pa ang mga BUWAYA

Clue naman dyan: Shh, huwag kayong maingay. Atin atin lang ito. Pero si Mafia Usec ay dati raw nagtatrabaho sa bakery, kasi PANADERO siya. Secret natin yan ha, baka naman pagVIRAL nyo pa itong blog post na ito. Ayon sa isang BUBWIT, yun dalawa naman ay may mga letrang L A N D A A yung isa at yun namang pangalawa ay may B I T A L. O, nahulaan nyo naba? Like and Comment naman dyan. Sirit na Usec Panadero, Asec Aldan at Director Tabil.

dilg the godfather

***************************

P7B NI MAFIOSI SA DILG

By Lily Reyes   Remate

HUWAG kayong magagalit kung hindi kayo makalapit at makamayan si Interior Sec. Ismael Sueno ngayon, gaya ng unang buwan niya sa DILG na si Secretary Mike pa ang kusang lumalapit sa masa para kamayan niya.

Ngayon, aba, talo pa niya ang hari ng Saudi Arabia dahil sa mahigpit na pagkokordon sa kanya? Todo ngayon ang cordon sanitaire kay Sueno ng mga sekyu! Pero sa totoo lang, abot-kamay siya kapag wala ang mga bantay niya.

Sabi nga ng ating mga mata sa DILG, bago raw ang utos sa security ni KA MIKE sa utos ng isang latak na opisyal ng nagdaang administrasyon na kesyo sa higpit at galit ni Sec. Maeng laban sa mga protektor ng iligal na droga ay baka may magtangka raw sa kanyang buhay?

Eh, ‘di wow uli. Isang USEC na mas kilala bilang MAFIOSI sa DILG ang may pakana ng paghihigpit, gusto raw kasi nitong manatili sa kanyang super power na pwesto kaya todo sipsip kay Sec. SUEÑO.

Kailangan daw niya itong gawin dahil kung hindi mas malamang na mabuko ang kanyang multi-bilyon na sindikato sa DILG!

Naaalala ba ninyo ang ibinulgar ng COMMISSION ON AUDIT sa nawawalang pondo ng DILG na mahigit P7-bilyon? Si MAFIOSI ang script writer, producer, director at actor doon noong nagdaang administration na puro korap ang nakaupo.

Pinulong daw nito ang mga regional at municipal interior directors para subuan ito ng tapon sa bibig. Ang resulta, mula noon hanggang ngayon, nanginginig sa takot ang mga nasabing opisyal dahil ang alam nila, nakapangunyapit muli itong si MAFIOSI kay Secretary MIKE SUEÑO!

Sinasabing kontrolado rin ni MAFIOSI ang mahahalagang department ng DILG katulad ng Finance, Admin, Supplies, General Services, pati na ang Bids and Awards Committee. Pati nga ang BJMP at Bureau of Fire na nasa ilalim ng DILG ay hindi makapalag kay MAFIOSI at sa sindikato niya na tinawag niyang, “UNHOLY TRINITY.”

Ilan din naman sa BJMP at BFP na mga RETIRADO AT AKTIBONG OPISYAL ay kasabwat din nitong si MABISYO, este, MAFIOSI, kahit natatakot ang DILG employees.

Gustong manawagan ng mga empleyado kay PANG. RODY DUTERTE na imbestigahan si MAFIOSI at ang UNHOLY TRINITY sa lalong madaling panahon para lumabas ang mga itinatago nito.

Sabi nga ng atin mga kausap, kulang daw ang 10 beses na bitay kapag nahalukay ang bilyon-bilyong nilaspag nila, kasabwat ang mga kamag-anak ng dating boss nila na minadyik ang appointment at regular na lahat ngayon.

Kaya MAFIOSI, tingnan ko lang ang ipinagyayabang mo na hindi ka pwedeng alisin sa pwesto dahil sa iyong astig na backer. LILY’S FILES/LILY REYES

About pinoynews4

blogger

3 Responses

  1. Anonymous

    ood day po sir , tatanong ko lang po kung pwede po ba patituluhan ang marinezone mangrove area ,dahil po dto samin sa Aurora, San Francisco Quezon Purok 6 Poblacion San Francisco, meron pong umaangkin po nito at pinag puputul po nila ang mga mangrove sa katunayan po my mga picture po akung hawak sir na pinag puputol nila ang mga puno khit hukayin makikita po dto ang mga puno na tinabunan po nila ng lupa ang mga punong pinagpuputol nila. Na walang permit ng brgy. Ng San Francisco at DNR ng Catanuan ‘ kame po ay naghiring sa catanuan at cla po ay nangako na tataniman nila ang lupa na pinagputulan nila ng mga puno ng mga mangrove gun po ang ipinangako nila sa DNR, ngunit sir hindi po natupad yun bagkos binakuran nila paikot at pati sir ang kalsada na dinadaanan nmin binakuran na rin , kanila daw po yun kaya pati kalsada pinakuran po nila ang nkakaawa po sir pag nag high tight oh maulan ehh yung mga mag aaral , dahil po wla po silang choice dumadaan po sila sa hangang tuhod na tubig . . Sir sana po matugunan ninyo ang aming problema kame po ay pinapalayas dto sa aming kinatatayuan ng aming tahanan . At kung di kame aalis dto gagamitan dw po kame ng dahas kukuha dw po sila ng private Arme.

    Like

  2. Anonymous

    yan po yang mga mangrove na pinagpuputol nila kahit hukayin yang mga yan nsa ilalim pa po yan ng lupa tinambakan po nila para po di makita ng DNR , cla po ay mga wlang permit sa aming brgy. at mismong sa DNR ng Catanuan , sana po matulungan nyo po kame sa aming problema ,sa pagkat ang mga esdyunte po ang kawawa sa amin ,,

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s