Mga kurap, land grabber, jueteng lord at drug lord lang ang yumayaman habang naghihikahos ang mga pangkaraniwang mamamayan

Sabi nila na mapalad daw ang bansang Pilipinas dahil marami itong LIKHANG YAMAN (natural resources). Totoo naman na malaki ang lupain ng ating bansa (pang 72 sa 195 na nakalista) kaya malawak ang maaring taniman ng palay, niyog, asukal, mga gulay at punong mapagkukunan ng mga prutas. Andyan din ang karagatan, mga dagat at lawa na napaghuhulihan ng mga isda. Sa lupa naman ay may ginto, pilak, tanso at marami pang ibang magagamit sa paggawa ng bakal, yero at mga piyesa ng mga sasakyan at computer. Andiyan pa ang mga lugar at tanawin na sikat sa buong mundo (Banawe Rice Terraces, Boracay, Palawan, Anilao, Mayon Volcano, Siargao, Bohol at Manila Bay sunset). 

Swerte talaga ang Pilipinas at ang mga Pilipino (mga masipag at masiyahing mga tao). Yun lang ay sa gitna ng dapat kayamanan at kaunlaran, marami ang naghihirap at walang sapat na makain sa buong araw. 

Paano nangyari yon? Kahirapan sa gitna ng lahat ng biyaya at kagutuman sa mga magsasaka na nagtatanim ng ating mga makakain. Sa mga lungsod naman ay nagsisiksikan ang mga walang trabaho o kung may kaunti mang pagkakakitaan ay hindi sapat makaahon sa pangarawaraw na paghahanap ng pantawid gutom.

HINDI PATAS ang BATAS, kaya HINDI UMUUNLAD ang PINAS

Batay sa Saligang Batas, “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikang Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”

Wow. Parang ang sarap basahin. Ang mga mamayan ang boss. Sila ang nagluluklok sa mga pinuno ng bayan sa pamamagitan ng halalan. Pero sila ba ang nasusunod? Sila ba ang nakikinabang? Mahirap yata tayong mapaniwala sa ganyang mga pananalita sapagkat hindi naman talaga patas ang laban ng mga mahihirap at mayayaman sa mata ng hukuman at batas.

Ibigay natin ang halimbawa ng pagkakakulong ng mga mahihirap. Diba para silang sardinas sa kanilang mga selda kung saan malimit ay walang sapat na lugar kung saan sila sabaysabay na matutulog ng nakahiga. Sa kakulangan ng espasyo, may natutulog ng nakaupo sa lapag at ilalagay nalang nila ang mga ulo nila sa kanilang mga tuhod. O diba, de may tatlo o apat na makakaidlip sa ganoong paraan kaysa sa isa lang ang makatulog na pahiga o padapa. Yun namang may mga mapagsasabitan ng mga duyan ay nakakapagtali ng matutulugan kaya masarap ang tulog nila. Walang katabi at gumagalaw pa kaya mahimbing ang tulog nila. O kaya naman ay may mga nakatayo at nagiintay ng panahon o takdang oras kung kailan sila maaring matulog. Eka nga ay halinhinan na parang shifting sa dalawamputapat na oras sa pabrika.

Eh papaano naman makulong ang mga mayaman at may kapangyarihan? Dalawang dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay humimas ng rehas. Si Erap na pinakulong ni GMA at si GMA naman na piniit ni P-Noy. Parehong dumaan sa tinatawag na HOSPITAL ARREST. Eka nga ay malaking silid sa pagamutan kung saan kumpleto sa karangyaan, pagkain at mga nakabantay na mga pulis. Sa Veterans Memorial Medical Center, masaya ang buhay ng mga kawani sapagkat laging may handaan kung saan marami ang nabusog. Nilipat naman si Erap sa Tanay kung saan mayroon siyang rest house o mansion kaya HOUSE ARREST naman ang naging estado niya. Nahatulan si Erap sa kasalanang PANDARAMBONG ngunit hindi nagtagal ay binigyan naman siya ng PRESIDENTIAL PARDON. Nakuha pang tumakbong muli si Erap sa pagkapangulo nuong 2010 ngunit pumangalawa lamang siya kay P-Noy. 

Sumunod naman sa Veteran Memorial Medical Center si GMA na nakakatanggap ng maraming bisita na pingungunahan ng mga dating opisyal niya sa gabinete. Napawalang bisa ang kasong PANDARAMBONG kaugnay ng PCSO funds bagamat nakakulong siya mula 2011 hanggang 2016 sapagkat ang kaso niya ay non bailable. 

Yuka Saso in second 6th place finish for 2023

Filipino Japanese Yuka Saso, representing Japan, placed 6th in the Women’s World Championship held in Singapore. She received $62,000 (PHP 3.5 million) as her prize money.

This is her second 6th place in three LPGA tournaments for 2023 having placed 20th in between two top ten finishes.

Saso won the US Open Women’s Golf Championship (a major tournament) in 2021 getting USD 1 million for the feat.

LUIS “Lucky” MANZANO case: Sapagkat siya ang Chairman of the Board, ang hindi pagiging parte ng pagpapatakbo ng isang kumpanya ay hindi ibig sabihin na abswelto ito sa kasong katiwalian.

FE BY PINOYNEWS4

FEBRUARY 28, 2023 BY PINOYNEWS4

Hindi lang siya CELEBRITY ENDORSER dahil Chairman of the Board siya ng kumpanya kung saan siya ang nagpapatupad ng mga pagpupulong, gumagawa ng mga patakaran ng kumpanya (matapos makakuha ng sapat na bilang ng boto sa mga kasapi ng Board of Directors) at pangunahing tagasubaybay sa pamamahala ng kumpanya. Dahil hindi siya ang Chief Executive Officer ng kumpanya, ang CEO ay sa kaniya nagrereport. Kung hindi sumusunod sa kaniya ang mga tagapamahala ng kaniyang kumpanya, dapat tinanggal niya ang mga ito sa trabaho (sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Board of Directors).

************************

Luis Manzano tagged in alleged scam; denies role in managing business

By GMA Integrated News

Published February 2, 2023

Actor-host Luis Manzano is facing a complaint before the National Bureau of Investigation in connection with an alleged investment scam.

According to John Consulta’s report on “24 Oras”, Jinky Sta. Isabel and other investors filed the complaint in a bid to recover millions of pesos in investments.

She said it was Manzano’s pitch that convinced her to invest in Flex Fuel. He’s allegedly the chairman and one of the owners.

“‘Ako ito. Luis Manzano ito.’ Kaya agad-agad akong nag deposit,” Sta. Isabel said.

“Siyempre, hindi ka magda-doubt sa kanya. Siyempre, Luis Manzano, artista,” she added.

Sta. Isabel said the company had been allowed by the Securities and Exchange Commission to sell products, not solicit investments.

In a statement, Manzano said, “I never took part in the management of the business.”

He also reportedly lost millions of pesos.

Manzano’s camp said that he filed a complaint against his friend and company CEO Ildefonso Medel Jr. in November 2022 after investors approached him to recover their money. —Sherylin Untalan/NB, GMA Integrated News

#NotSoLucky #MalasLangOBobo #ChairmanKaPalaDeIkawAngPinakamataasNaOpisyaSaKumpanya