ABS CBN – TAX EVASION (2018 lugi daw, wala nang binayad, nakakuha pa ng 84 MILYONG PISONG TAX CREDIT) ayon kay Marcoleta, habang ang GMA 7 nakapagbayad ng lagpas 1 BILYONG PISO sa BAWAT TAON ng 2017, 2018 at 2019

abs gma tax

Sa Pilipinas, drama lang ang dimandahan hinggil sa ilang mga kaso kaugnay ng buwis. Kailangan ihabla ang KASABWAT na kumpanya para maumpisahan ang proseso ng COMPROMISE kung saan nabibigyan ng kapangyarihan ang Kagawaran na makipagusap at makipagareglo sa tiwaling kumpanya. Dahil sa tinatawag na DISCRETIONARY nature o walang istriktong paraan kung papaano makukuha ang halaga ng dapat ibayad, nagkakaroon ng BUTAS o LOOPHOLE para pababain ang babayarang buwis kapalit naman ng FOR THE BOYS.

TAX EVASION at TAX AVOIDANCE ay mga paraan para makalusot sa pagbayad ng malaking buwis. Pansinin ninyo na nuong 2018, nagsabi ang ABS CBN na NALUGI daw sila kaya imbes na magbayad ay nakakuha pa sila ng TAX CREDIT (na maaaring gamiting pambayad sa susunod na mga taon) ayon kay Cong Marcoleta. Kapag malaki naman ang kita nila, hindi sila magbabayad at iintayin na idemanda sila ng BIR at alam nila na magkakaroon ng usapan o mekanismo na tinatawag na COMPROMISE kung saan, ayon kay Marcoleta, 40% of the total ang naging katanggaptanggap sa magkabilang panig, Kapamilya at BIR. Ang sasabihin ng BIR ay pumayag na sila sapagkat gusto nila iwasan ang mahabang proseso namapupunta sa korte. ANG LAGAY, everybody (ABSCBN at BIR) happy. TAUMBAYAN ang nawalan.

Paulitulit na sinasabi ng ABS CBN na binigyan daw sila ng clearance na wala silang utang na buwis sa BIR. Maaring totoo yon kasi nga NAGKAAREGLUHAN na. Sa pinakitang mga pigura ni Marcoleta, lalo pa ay pinaghambing sa binayad ng GMA 7, ang PUBLIKO na ang magtatanong kung bakit nagkaroon na KAHINAHINALANG pagbayad nuong 2017 at 2019 at ang HINDI PAGBAYAD nuong 2018. May nakuha pang TAX CREDIT. Wow. Ang galing.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s