Habang hindi makapagpaere ang Channel 2 at DZMM (teleradyo), mapapanood ang TV Patrol sa Facebook, You Tube, cable TV, TV Plus, I Want TV at iba pang mga tinatawag na platforms. Ang Facebook ay social media kung saan malakas ang Kapamilya network sapagkat hawak ng ABS CBN, TV Patrol, It’s Showtime at mga talents kagaya nila Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Locsin at Sarah Geronimo ang mga pinakamalalaking FB fan pages sa Pilipinas.
Nuong araw na nagsara ang Channel 2, May 5, 2020, yung huling TV Patrol show ay nakakuha ng 10.3 million FB views (as of May 11, 2020). Sa format ng FB, patuloy na tumataas ang nakakapanood sapagkat maaring makita ang dati ng mga palabas kaya maaring umakyat ang views sa arawaraw. Nuong May 7 ay wala na ang Channel 2 kaya sa mga alternatibong sites nalang napanood ang TV Patrol. Umani ng 8.6 million FB views as of May 11, 2020. Nuong May 8 bumagsak na ang mga manonood sa FB sapagkat 4.6 million nalang ang views as of May 11. Patuloy pa ang pagsadsad nuong May 9, Sabado, sapagkat 1.6 million nalang ang nanood. Pinakamababa ang bilang ng nanood kahapon, May 10, Linggo, dahil nasa 1.1 million views nalang. Ngayong araw, May 11, Lunes, umakyat muli ang mga nanood na may bilang na 1.9 million views.
Masyado pang maaga magbigay ng malalim na pagsusuri ngunit sa limitadong bilang ng mga araw na nakalipas mapapansin na BUMABABA ang nanonood ng TV Patrol sa Facebook. Mabigat ang magiging implikasyon nito sapagkat ang ADVERTISING RATES ay binabatay sa dami ng mga nanonood. Dahil sa FB nakikita ng lahat ng tao ang mga statistics kagaya ng views, eyeballs (kung ilang tao ang nanonood ng live), comments, likes at shares, hindi na kailangan ang mga survey firms pa ang gumawa ng pagaaral kung ilan ang nakapanood ng isang partikular na palabas. Sa ngayon wala pang pinalalabas na mga ADVERTISEMENTS sapagkat tinatantsa pa ng network yung kaniyang kakayanang humakot ng mga manonood. Kung mananatili itong mga mabababang numero, siguradong liliit ang kayang hakuting kabayaran ng ABS CBN mula sa mga advertiser ng sabon, shampoo, gamot, toothpaste, pagkain at iba pang mga consumer goods.
Batay sa mga leksyon sa mga nangyari sa ibang bansa, maski makuha pa rin ng ABS CBN ang dati nilang AUDIENCE COUNT, hindi ibig sabihin na sasabay din ang mga advertisers sa paglipat mula mainstream media (radyo, TV at pahayagan) patungong social media. Kung susunod man ang mga advertisers, hindi parenhong laki ng dating budget nila ang gagastosin nila sa makabagong pamamaraan ng pagpapalabas ng kanilang mga commercial.
Nangangahulugan na habang wala sa ere ang ABS CBN ay patuloy silang gagastos sa panahong hindi naman sila makasingil sa mga advertisers. Habang wala sila sa Channel 2 at DZMM, maaring lumipat ang mga tao sa number one na kalaban nila, ang GMA 7. Andiyan pa ang You Tube at Netflix na nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao.
Sa stock market ay suspendido ang pagbenta at pagbili ng ABS CBN shares of stocks dahil sa Cease and Desist Order na naging sanhi ng pakasara ng Channel 2 at DZMM. Kapag pinayagan muli ang bentahan ng stocks ay maaring lalo pang bumagsak ang share price. Malaki rin ang pagkautang ng ABS CBN sa mga bangko kaya talagang dumadaan ang network sa malaking pagsubok.
Kasalukuyang may petisyon ang ABS CBN sa Korte Suprema para magisyu ng TRO at makapagbukas muli sila, maski pansamantala lang. Ang matagalang solusyon nila ay makakuha ng panibagong prangkisa mula sa Kongreso kung saan ay 2014 pa ay hindi na umusaad ang panukalang batas para sa kanila.
********************
ABSCBN NTC Duterte SolGen Calida Kapamilya FRANCHISE RENEWAL Congress Kongreso House of Representatives Kamara de Representante Mababang Kapulungan Senate Senado Legislative Franchise TRO Provisional Authority to Operate
Its time to shutdown ABS CBN now. Gabby Lopez should discern and reflect well na hindi pala siya ang may Ari ng lahat na bagay dito sa mundo. Its a curse that Gabby Lopez should ask pardon to God for he has been violating and committing a lot of sins. He cannot own the whole world but rather God has been allowing him to use it for His greater glory. But what Gabby Lopez do? He has been maximizing all his wealth for his greater glory NOT for GOD. Now Gabby Lopez will suffer until the last minute of his life. Good luck
LikeLike
Kagagawan na rin nila at isa na si Karen Davila sa sumira sa ABS-CBN a sobrang bias ng pagkokomentaryo o pagpuna sa iba, gayung nagdala sa kanila pagbagsak at tuluyang masara
LikeLike