
Naniniwala si Interior Undersecretary Martin Diño na may sabwatang nagaganap sa pagitan ng mga lokal na opisyal at mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng cash subsidy.
Ayon kay Diño, marami silang natatanggap na reklamo laban sa mga kawani ng DSWD at mga tauhan ng munisipio dahil ito ang may hawak ng ipamamahaging pera.
Nagbabala si Diño sa mga tiwaling local officials na wag kurakutin ang ayuda para sa mga constituents dahil may pabuya nang P30,000 na ibibigay si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit sinong makakapag-timbre ng katiwalian sa pamamahagi ng social amelioration program.
Mababatid na partikular na binanggit ng pangulo kagabi si barangay councilor Danilo Flores ng Agustin sa Hagonoy Bulacan bilang isa sa mga kurap na opisyal.
Sinabi ni Diño na ipina-aresto na nya si Flores.
Matatandaang ang mga opisyal na masasangkot sa iregularidad sa SAP distribution ay makukulong at pagmumultahin hanggang P1 milyon sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
via BNFM National