Dati puro mga artista at celebrities lang ang tahasang bumabatikos kay QC Mayor Joy Belmonte, ngayon isang dating kalihim ng gabinete na ang gustong PALITAN ang namamahala sa KYUSI
********************************
QCDRRMC nilabag ang Bayanihan law, milyong residente inilagay sa peligro IATF DAPAT I-TAKEOVER ANG QC LGU
Saksi Ngayon
NANINIWALA si dating Department of Interior and Local Government (DILG) chief Rafael Alunan III na dapat i-takeover na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Quezon City local government. Ito ay dahil sa mahinang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga problemang kinakaharap ng lungsod partikular sa pagsugpo sa COVID-19. Sa kanyang Facebook page, nag-post ang dating kalihim ng larawan na kuha sa Balintawak market kung saan makikita ang halos hindi mahulugan ng karayom na dami ng tao. “There’s trouble in Balintawak market.
Quezon City is the epicenter of Covid.
Scenes like this will ensure that QC won’t be able to flatten its curve anytime soon.
The IATF should take over. The QC LGU can’t handle the problem. More will die at the rate it’s going,” nakasaad sa post ni Alunan.
Bunsod ng mahinang liderato at mistulang breakdown sa governance ni Mayor Joy Belmonte, iminungkahi ni Alunan na isailalim na sa IATF control and buong Quezon City para maiwasan ang patuloy at higit na mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at maiwasang maging epicenter o sentro ng health crisis ang lungsod.
PILA SA TODA
Bukod dito, inupakan din ng maraming taga-lungsod ang pagpapapila sa mga miyembro ng TODA sa city hall upang kunin ang ayudang dalawang libong piso mula sa lokal na pamahalaan na nagdulot ng mahabang pila at paglabag sa social distancing na isa sa mga mainam na panlaban kontra sa pagkalat ng lubhang nakahahawang virus.
Puna ng mga residente, dapat sana ay ipinadaan na lamang ito sa mga presidente ng kanya-kanyang TODA na maaari namang saksihan ng barangay officials sa halip na pinapila ang mga driver na mistulang nangangampanya ang mga taga-city hall.
Ayon pa sa ayaw magpakilalang miyembro ng TODA sa takot na maipatawag ni Mayor Belmonte, dapat daw ipakita ng mga opisyal ng Quezon City and sinserong paglilingkod sa mga mamamayan nito at huwag gamitin ang krisis para lang sa pansariling political interest at political mileage.
Sa halip na protektahan, mistulang inilagay pa umano sa peligro ang milyon nitong residente dahil kapag nagkahawaan sa palengke at pagpila ng mga TODA sa city hall, tiyak na mabilis kakalat ang COVID-19
Bukod dito, malinaw umanong nilabag ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang Bayanihan law.
Ang QCDRRMC ang pangunahing sangay na nangangasiwa sa pagpapatupad ng “risk reduction” kagaya ng social distancing at enhanced community quarantine
Matatandaan, ilang ulit nang naging laman ng mga batikos sa social media ang mga ‘maling’ pamamalakad ni Mayor Belmonte sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa health crisis na ito.
“This is exactly why Quezon City has the highest number of cases in the whole country, with the LGU too weak to implement ECQ protocols,” sabi ng isang netizen.
Matapos namang putaktihin ng batikos sa social media, iniutos ni Mayor Belmonte noong Sabado ang pansamantalang pagpapatigil sa operasyon ng Balintawak markets para sundin ang ipinatutupad na physical-distancing.
Sinabi ni Belmonte, tanging wholesale selling at drop-off operations ang pahihintulutan sa Balintawak markets.
Kamakailan, humingi ng paumanhin sa mga mamamayan ng Quezon City si Mayor Belmonte sa kanyang inasal sa social media kasunod ng mga batikos sa mabagal na pagpapadala ng tulong sa mga residente ng lungsod at sa pamamahagi ng kanyang mga tauhan ng relief packs at health kits na may nakalagay na pangalan niya. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
#COVID19 #QuezonCity
There must be technical audit in all mayor in the Philippines. If not fit, Vice Mayor shall take over while there is health emergency.
LikeLike
[…] READ: https://balitangbalita.com/2020/04/16/covid-19-ex-dilg-sec-alunan-qc-milyong-residente-inilagay-sa-p… […]
LikeLike
[…] https://balitangbalita.com/2020/04/16/covid-19-ex-dilg-sec-alunan-qc-milyong-residente-inilagay-sa-p… […]
LikeLike
Take over agad? Puro kayo Puna ay Kumpara Sa Quezon City LGU Sa ibang maliliit Na lungsod
LikeLike
[…] https://balitangbalita.com/2020/04/22/covid-19-isko-moreno-sampaloc-hard-lockdown/ https://balitangbalita.com/2020/04/16/covid-19-ex-dilg-sec-alunan-qc-milyong-residente-inilagay-sa-p… […]
LikeLike