COVID 19 – DILAWANG QC exec may DIVERSIONARY TACTIC, BINANATAN si Pangulong Duterte, DoH para mapagtakpan ang KAPALPAKAN ng LGU

Dekada nang nagagamit ng mga taga Kyusi ang maraming Department of Health national hospitals – Heart Center, Lung Center, Kidney Center, East Avenue, Quirino, Orthopedic, National Children’s at Lungsod ng Kabataan. Diba sa Metro Manila at sa buong Pilipinas, malaking biyaya sa mga taga Quezon City na andyan yang mga malalaking ospital habang yung iba kailangan pa maglakbay ng malayo? Ngayon namang may pambansang sakunang pangkalusugan, andyan ang DSWD, DOLE at iba pang mga sangay ng pamahalaan para magbigay ayuda sa mga mamamayan ng Kyusi. So ano ang sinasabi nitong kinatawan ng QC na walang tulong na natatanggap ang pamahalaang lungsod?

Alam naman natin kung bakit nagpahayag ng mapait na pananalita? Sapagkat nababatikos ang QC Mayor na si Joy Belmonte dahil sa KAHINAAN at KAPALPAKAN. Lalo pa ngayong marami na ang nananawagang MAGBITIW na si mayora. Dati puro celebrity at showbiz lang ang bumabanat pero ngayon maski ang dating DILG Secretary Rafael Alunan ang nagsasabi na dapat na raw na maTAKEOVER ang pamamahala ng QC at tanggalin na sa mga kamay ng kasalukuyang PALPAK na punong lungsod. Sa madaling salita, DIVERSIONARY TACTIC lang ang pahayag ng QC para MAPAGTAKPAN ang sarili nilang pagkukulang sa mga mamamayan.

*********************************

qc no help

 

Walang ayuda simula’t sapul ng COVID-19 crisis QC
SAKSI NGAYON
April 13, 2020

WALANG natanggap na anomang suporta ang Quezon City government mula sa pamahalaang nasyunal simula nang pumutok ang coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ito ang akusasyon ni Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office head Mike Marasigan matapos suportahan ng mga residente ng lungsod ang panukala ni dating Department of Interior and Local Government chief Rafael Alunan III na i-takeover na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pamamahala sa lungsod.

Mistulang inakusahan ni Marasigan ang pamahalaang Duterte at maging ang Department of Health (DOH) na pinabayaan ang kanilang lungsod pagdating sa ayuda kaya ito napag-iiwanan sa pagtugon sa pandemyang COVID-19.

Saad pa ng QC official, paanong ipapasa sa IATF ang pamamalakad sa QC government gayung sila pa ang hinihingian kahit ng simpleng kagamitan tulad ng body bags.

“IATF in all due respect has not gave any support to QC. Even the DOH hospitals which are national, ask help from QC. We are catering to dead bodies not only from QC residents but other LGUs as well. How can you depend on them? We are even asked for a simple body bags,” komento ni Marasigan.

Naghihimutok si Marasigan dahil hindi aniya lahat ng nasasawing COVID patients sa mga ospital sa lungsod ay residente ng Quezon City. Bagaman prayoridad aniya ng mga pampublikong ospital sa lungsod ang mga residente nito ay hindi rin naman maaaring tanggihan ang mga taga ibang lugar ‘for humanitarian reasons’.

Umapela rin si Marasigan sa mga taga Quezon City na sa halip bumatikos ay samahan siyang dumalo sa daily operation briefing ng QC Incident Management team upang malaman ang totoong nangyayari sa lungsod.

Ngunit hindi naman ito kinagat ng mga residente, sa halip, hinanapan nila ng konkretong pagtugon ang pamahalaang lungsod sa kinakaharap na problema sa COVID-19.
Binatikos sa social media ang paraan ng pamamahala ni QC Mayor Joy Belmonte matapos ang magkakasunod nitong kapalpakan kabilang na ang mabagal na pagtugon sa pangangailangan ng mga residente ng lungsod.

Kamakailan ay nagprotesta ang ilang residente ng Sitio San Roque dahil hindi umano sila naabot ng ayudang food packs mula sa city hall. Nauwi sa dispersal ang protesta dahil sa paglabag ng mga residente sa pinaiiral na social distancing at inaresto at kinasuhan ang 21 sa mga ito.

Kinondena rin ng mga residente ang pamamahagi ng tanggapan ni Belmonte ng food packs at health kits na nakalagay sa mga bag na may pangalan ng alkalde.

Nito lamang nakalipas na Sabado, ikinadismaya ng netizens ang pagdagsa ng mga mamimili sa Balintawak market na malinaw na paglabag sa physical distancing na ipinatutupad upang maiwasang kumalat ang virus.

Kasunod nito, dumagsa naman ang mga tricycle driver at operator sa Quezon City hall para kunin ang tig-P2,000 ayuda ng lungsod.

Ilang driver ang nagreklamo dahil marami sa kanila ang hindi nakatanggap ng cash assistance.

Saad pa ng mga ito, mas mainam sana kung ipinasa na lang sa presidente ng bawat TODA ang pamimigay ng ayuda sa halip na pinapunta sila sa city hall.

Laking pagkadismaya ng mga residente sa nasabing magkasunod na insidente na nagpapakita umano ng kahinaan at kawalan ng direksyon ng pamumuno ni Belmonte.

Hindi rin nila nagustuhan ang mabilis na tugon ng alkalde na “fake news” ang idinulog na problema ng ilang frontliners sa batikang mamamahayag na si Arnold “Igan” Clavio.

Nag-ugat ito sa isiniwalat ni Igan na kapos sa cadaver bags ang isang ospital kaya maraming nasawi na hinihinalang dulot ng COVID-19, ang naipon sa hallway ng morgue nito.

“Yung mga statement ni mayora isn’t helping the situation,” reklamo ng isang residente.

“Binoto siya sa position na ‘yan kaya we expect her to do more kasi obviously kulang e,” pahayag ng isa pang residente.

TUMIGIL ANG BILANG

Samantala, hindi magkatugma ang bilang ng kaso ng COVID-19 na iniulat ng DOH at ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) noong Sabado ng gabi.

Ayon sa DOH, umakyat na sa 764 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod. Subalit ang naturang bilang na naitala ng DOH ay malayo sa naitala ng QCESU na umabot lamang sa 580 hanggang noong alas-7:00 ng gabi ng Abril 11, 2020.

Sa kabila nito, wala pa umanong paliwanag ang QCESU kung bakit ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nanatiling nasa 580 pa lamang at hindi ito gumalaw.

Usap-usapan din sa social media ang magkakaibang bilang ng mga bangkay na nananatili sa East Avenue Medical Center nitong Linggo matapos umanong kunin ng mga punerarya para ma-cremate ang mga nasawi na naipon sa nasabing pagamutan.

Ayon kay Marasigan, noong Sabado pa ‘nahakot’ ng mga punerarya ang mga labi at mayroon na ring sapat na body bags ang ospital.

Ngunit sa pagtatanong ng isang mamamahayag kung ilan pa ang naiwang bangkay sa EAMC, ang tugon ni Mayor Joy Belmonte ay wala na (0), habang si DOH Sec. Francisco Duque ay nagsabing mayroon na lamang limang bangkay na naiwan, si EAMC Spokesman Dr. Dennis Ordoña ay nagsabing mayroon pang 9, habang si DENR Usec. Benny Antiporda ay nagsabing 15 pang mga labi ang nasa pagamutan.

Sa panayam ni Arnold Clavio, Lunes ng umaga, kay Dr. Ordoña, inulit nito ang naunang pahayag na siyam pa ang mga bangkay na nasa EAMC at hindi zero (0) gaya ng ulat ng QC LGU.

Ayon pa kay Ordoña, ang QC LGU ang may responsibilidad pagdating sa cremation ng lahat ng COVID-19 patients, ayon na rin sa IATF at DOH protocol regardless kung saan probinsya o lungsod nakatira ang mga naturang nasawi taliwas sa pahayag ni QCDRRMC head Marasigan na base sa kanilang polisiya, prayoridad ang mga residente ng lungsod pagdating sa cremation at hindi ang mga nakatira sa ibang lugar.

Base sa pahayag na ito ni Marasigan, malinaw na nilalabag nito ang protocol na dapat sa loob ng 12-oras ay cremated na ang labi ng mga namatay sa virus.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

READ: https://balitangbalita.com/2020/04/16/covid-19-ex-dilg-sec-alunan-qc-milyong-residente-inilagay-sa-panganib-takeover-dapat-ang-kyusi-lgu/

 

 

 

1 Response

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s