Vico Sotto po ang pangalan ng Pasig Mayor pero hindi ninyo mababasa ang pangalan niya sa mga relief packs ng kanyang lungsod sapagkat alam na nga mga constituents niya kung sino siya. Iba naman sa Quezon City kung saan nakaukit na sa mga gusali at iba pang mga istruktura ang pangalang Belmonte (tatay ng kasalukuyang mayora ay matagal ding alkalde at kinatawan, iba pa ang marami nilang mga kamaganak na nakapwesto ngayon o nuong nakaraang mga panahon). GALAWANG DILAWAN (PAEPAL) pa rin sa Quezon City sa gitna ng pinakamaraming kaso ng COVID 19 sa buong Metro Manila. 31 na ang mga kaso sa QC, 217 naman sa buong Pilipinas. Batay sa sakuna at COMMUNITY QUARANTINE, ipinagutos ni Pangulong Duterte na tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang hindi makapasok sa trabaho at ang mga walang pambili ng pagkain.
Bakit kaya sa mga lungsod na MAGALING ang nagpapalakad kagaya nila Isko Moreno ng Maynila, Vico Sotto ng Pasig at Francis Zamora ng San Juan, HINDI KAILANGAN UMEPAL? Simple lang ang sagot dyan. Sapagkat mga makatao sila at todo buhos ng tulong sa kanilang mga sinasakupang barangay at komunidad, alam na ng mga mamamayan ang kahalagahan ng mga pinuno nila. Sa kabilang dako naman kagaya ng Quezon City kung saan INSECURE (dahil palpak) ang kanilang mayora Joy ng Belmonte DYNASTY, dapat ilagay ang pangalan niya sa mga naglalakihang tarpaulin at maski sa mga supot, sako at mga pinaglalagyan ng mga tulong pagkain at kagamitang personal (sabon, alcohol at face mask) para TUMATAK sa isipan ng mga botante ang isusulat nilang pangalan (o iitiman ang bilog) sa BALOTA sa 2022.