Alam naman ng lahat na NANGANGANIB na ang mga pahayagan dahil sa umuunti na ang mga bumibili ng DYARYO sa arawaraw. Maraming Pilipino na ang nakakatanggap ng balita sa pamamagitan ng Internet, Social Media at Facebook. Bagsak na ang CIRCULATION FIGURES ng mga pahayagan at BUMABAGSAK na rin ang ADVERTISING REVENUES. Yan ang rason kung bakit naglabas ng MALASWANG headline ang Manila Standard laban kay Senadora De Lima. Maliwanag na hindi tama ang paggamit ng katagang FINGER sapagkat mayroong BASTOS na pagkahulugan yon. Maaring sabihing ang tinutukoy ng Manila Standard ay ang PAGTUTURO ng mga saksi kay De Lima kaugnay sa kanyang pagkaPROTECTOR ng Bilibid Prison DRUG LORDS. Ngunit sa mga malilikot ang isipan, maari ding kahulugan noon ay ginamitan si De Lima ng DALIRI lalo pa na isinasangkot siya sa MARAMING kalalakihan. Bagamat naniniwala kami sa KASALANAN ni De Lima at dapat siyang TANGGALIN bilang SENADORA, KASUHAN at MAKULONG, naniniwala din kami na maari namang magkaroon ng MATAAS na ANTAS ng talakayan na hindi dapat mapunta sa babuyan at kabastusan. Nangangamba kami na ang mga kababaihan ang malalagay sa alanganin sapagkat sila ang mga biktima ng DOMESTIC VIOLENCE. Kaya ni De Lima lumaban para sa sarili niya bilang isang manananggol, dating Justice Secretary at kasalukuyang senadora ngunit ang mga pangkaraniwang babae ay malimit walang kakayanan upang ipagtanggol ang mga sarili nila. Kaunting RESPETO lang ang hinihingi namin sa Manila Standard. May mga nanay, kapatid na babae, asawa, tiya, lola at iba pang mga kamaganak na babae din naman siguro kayong lahat. #ManilaStandard #Delima #Duterte #WarOnDrugs #DriverLover #BastaDriverSweetLover
Ginandahan sana ng nag proof reading nyan. “The witnesses pointed her as the mainstream at BNP”. Dapat para medyo suspense cino yung” Her” na yun?
LikeLike
Ginandahan sana ng nag proof reading nyan. “The witnesses pointed her as the mainstream at BNP”. Dapat para medyo suspense cino yung” Her” na yun?
LikeLike