COVID 19 : East Avenue – Umaming tambak ang PATAY (20), morge 5 lang ang kasya kaya sa PASILYO na lang ang iba

19 arnold 1

PALPAK ang Quezon City. Kyusi ay COVID CAPITAL of the PHILIPPINES na may 764 confirmed positive cases out of a national total of 4428 (as of two days ago). Salamat Arnold Clavio.

Mga PATAY hindi kinukuha ng mga kamaganak kaya dumami ang UNCLAIMED BODIES na umabot sa 20. Si Arnold Clavio ang unang nagsiwalat ng balita ngunit hindi niya pinangalanan ang ospital. Napilitan tuloy ang Department of Health at ang East Avenue Medical Center maglabas ng mga pahayag para PATUNAYAN ang pinasabog ni Arn Arn.

Sa una, marami ang nagakala na FAKE NEWS yung balita para lang daw siraan ang pamahalaan ngunit mabuti na lang at nagsabi ng TOTOO ang DOH at EAMC.

Maliwanag naman na PERA ang sanhi ng hindi pagkuha ng mga bangkay. Lalo pa ngayong CREMATION ang nararapat. 65 to 200 thousand pesos daw ang halaga nito kaya sa panahon ng PAMBANSANG SAKUNANG PANGKALUSUGAN, ang mga Local Government Units ang dapat umayos ng ganiyang CREMATION. Nasa Quezon City ang EAMC kaya responsibilidad ni Mayor Joy Belmonte yan. Dahil sa sobrang nakakahawa ang COVID 19, dapat ilang oras lang matapos mamatay ang isang pasyente ay CREMATED na agad. Matatandaan na ang Quezon City ay may bagong bukas na modernong CREMATORIUM na may 2 kalan so hindi dapat naipon ang mga bangkay sa pasilyo ng ospital.

Sa huling panayam ng EAMC, nabawasan na daw ang mga bangkay na nasa kanila pa. 8 na lang daw yun lang 5 lang ang kaya nilang maitago ng maayos kaya mayroon pa ring mga patay sa pasilyo. Malayo naman daw ito sa main hospital pero hindi pa rin magandang pangitain yan sa aspeto ng proper health practices.

CHAMPION ang Quezon City sa dami ng COVID 19. Nakapagtala na ng 764 na kumpirmadong positibo sa gitna ng kabuuang 4428 sa buong Pilipinas. 17.2% ito sa ngayon at tumataas pa ang porciento nito. Ibig sabihin mas mabilis kumalat ang coronavirus sa Quezon City kaysa sa ibang parte ng Pilipinas.

 

1 Response

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s