Hospital Rejected Preggy gives birth on the STREET, Viral Photo comments – Isko versus Joy compared

qc ndh nanganak

 

May viral photo ng isang buntis na pinauwi ng Novaliches District Hospital sa Quezon City. Halos 1 milyong people reached na ang nakamit ng post. Napaanak ang pasyente sa kalsada. Natural lamang na ang mga kawani ng ospital ay pinagdiskitahan ng mga netizens na nagpaabot ng kanilang maasim na mga comments. Yun lang tila NAHATI ang mga taga Quezon City kung may pananagutan ang punong abala ng lungsod na si Mayora. Sabi ng iba na sapagkat ang NDH ay isang Local Government Unit hospital at pagaari ng Lungsod Quezon, dapat daw sisihin si Mayora sa maling pamamalakad sa nasangkot na ospital. Sabi naman ng mga tagapagtanggol ni Mayora na hanggang antas ng pamunuan ng ospital lang daw ang dapat sisihin sa kabila ng patatalaga ni Mayora ng Medical Director at direktang pangangasiwa ng lungsod sa NDH. 

Ang isang maliwanag na pinatutunguan ng lagpas sampung libong Likes, Comments at Shares ay naihahambing ang Lungsod Quezon sa Lungsod ng Maynila na may bago ring alkalde sa pagkatao ni Isko Moreno. Sapagkat may mga naiulat din problema ang ospital na pagaari ng Maynila, INAKO agad ni Yorme Kois ang responsibilidad at inimbistigahan ang pangyayari para mabigyan ng kaukulang parusa ang mga kawani ng ospital (kung kailangan) at makapaglabas ng mga patakaran upang lalong gumanda ang serbisyo ng naturang ospital at iba pang ospital at health center na pagaari rin ng Lungsod ng Maynila.

Sa Quezon City, dahil sa marami ang nagmamahal kay Mayora, pakay nilang ilayo ang alkalde nila sa sisi at hayaan nalang daw si Mayora gumawa ng kaukulang pananaliksik, imbistigasyon, paghuhusga at pagpataw ng parusa sa mga may sala. 

Ang pagkakaiba ng pagtrato sa mayor ng Maynila at Quezon City ay magagamit namang halimbawa kung ano ang mga katangian ng MAGAGALING na mayor (kagaya ni Isko) at ang mga MAHIHINANG mayor (na si Mayora ang halimbawa). Ang pinuno na sa umpisa palang ay inaako ang responsibilidad sa problema ay agad patungo na sa solusyon kasi sinisigurado na niya na siya na ang bahala kung anong kabutihan ang dapat gawin. Ang pinuno naman na umiiwas, pinaliliit o itinatanggi ang kaniyang responsibilidad sa problema ay magpapaikotikot pa para makahanap ng solusyon sa suliraning hinaharap. Sapagkat ayaw niya masangkot o madungisan ang pangalan niya, malaki rin ang pagkakataon na pagtakpan niya ang mga may pagakamaling opiyales ng ospital na siya mismo ang nagtalaga.

Maliwanag na si Isko ay ang media darling ngayon hindi lang sa Lungsod Maynila kundi sa buong Metro Manila at buong Plipinas. Makikita rin kung bakit ang pamamaraan ni Mayora ng pamamalakad ng Quezon City ay umaani ng maraming batikos. Sana ay pamarisan nalang ang mga mabubuting gawain ni Isko ng mga LGU executives sa buong Pilipinas.

#IskoMoreno #YormeKois #Manila #QuezonCity #NovalichesDistrict Hospital #NDH

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s