Sa SHOWBIZ may GRAND ENTRANCE at FASHION STATEMENT, kay Digong may NATIONALIST ATTIRE. Kung sa ASEAN SUMMIT lahat ng pinuno ng mga bansa ay magsusuot ng COAT and TIE, eh de parang tumitingala sila sa mga BANYAGA. Pinakikita nila na bago ang sarili nilang mga bayan, may MAS MATAAS na PWERSA na hindi matitinag. Kaya tuwing may paguusap tungkol sa pangangalakal, talo tayong mga maliliit sapagkat sa suot pa lang bistado na takot tayo sa mga DAMBUHALANG bansa at ekonomiya.
Sa pananamit ni Digong na nagsuot ng Barong Tagalog (mind you, hindi sila ininsulto sa pagsuot ng Maong Tagalog), ipinahihiwatig niya na Pilipinas ang nauuna sa kanyang puso at isipan at handa niya ipaglaban ang mga Pilipino. Dapat ang Estados Unidos at Tsina ay maramdaman na hindi bastabastang TITIKLOP ang Pinas sa pamumuno ni Tatay Digong. Ang mga PATUTSADA ni Pangulong Duterte, sabay atras, ay PSY WAR lang ni Digong sa mga kalaban. Hirap silang tantsahin kung kakamayan sila o mumurahin. Hindi tuloy sila makahirit ng mga bagay kung saan LAMANG ang sarili nilang mga bansa sa ikasasama o ikalulugi naman ng mga MILIIT na bansa kagaya ng atin. Yan ang rason kung bakit kinikilala si Digong na ROCK STAR ng ilang kasali sa ASEAN SUMMIT pinangungunahan na ng bansang Hapon.
#Duterte #AseanSummit #BarongTagalo #ProudToBePinoy
[…] Duterte sa Laos: Makabayang Pananamit […]
LikeLike