MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) matapos lumabas na hindi lamang P24 milyon ang pinag-uusapang “drug money” na inuugnay kay Senator Leila de Lima mula sa hawak ng kagawaran na bank deposits kundi posibleng umabot pa ito sa P1 bilyon.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sinisiyasat na nila kung saan nanggaling at kung ano ang layunin ng hindi lamang P24 milyon halaga kundi P88 milyon nang bank deposits na kanilang nakalap na ebidensya.
Inamin ni Aguirre na posibleng umakyat pa sa bilyong piso ang halaga ng mga perang pumasok sa mga bank accounts na kanilang sinisiyasat na nagdidiin kay de Lima sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Sinabi ni Aguirre na bine-beripika na at kunikumpleto na nila ang mga nakalap nilang impormasyon.
“We are just building with regard to these deposits that the money was allegedly intended by then Secretary de Lima for Ronnie Palisoc Dayan, who was his former bodyguard,” ani Aguirre.
Iginiit ni Aguirre na nagbigay na rin ng affidavit ang tatlong drug traders na sa palagay niya ay magsasangkot kay de Lima at sa dating bodyguard nito na si Dayan.
Nakatanggap din ng impormasyon ang DOJ na hindi lamang dalawang tao ang umano’y nag-deposito ng malaking halaga ng pera sa bangko kundi limang depositors.
Milyun-milyon pumasok sa bank account ni Dayan
Inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na hawak ng DOJ ang mga deposit slips na magpapatunay na milyung-milyong piso ang naideposito sa bank account ng dating driver at umano’y lover ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Si Dayan ang sinabi ni Pangulong Duterte na umano’y kumokolekta ng drug money sa mga convicted drug lords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
“Meron akong mga hawak na ilang dokumento pa. May ilang deposit slips sa bangko ng milyun-milyon. Kaya di ko ‘yan pinapalabas dahil kami ay nagbi-build up pa lang ng kaso,” ani Aguirre sa isang panayam.
Tumanggi muna si Aguirre na pag-usapan ang deposit slips hangga’t hindi pa umano niya nabeberipika. Kaya’t maituturing umanong hindi authorized ang pagpapalabas ng mga deposit slips.
Staff ni Leila, itinanggi ang deposit slips
Itinanggi naman ng isa sa dalawang dating staff ni de Lima na si Edna “Bogs” Obuyes na sa kanya ang mga deposit slips na ebidensya ng DOJ na nagsasabing nagdeposito ng milyun-milyon ang una sa utos ng kanyang dating boss sa DOJ na si de Lima.
Sa kanyang post sa Facebook account na may pangalan ni Obuyes, itinanggi nito na galing sa kanya ang naturang mga deposit slips.
Igniit din ni de Lima kahapon na nagtext na umano sa kanya ang mga dating staff at sinabi hindi sila kakampi sa mga kasinungalingan at tetestigo laban sa senadora.
PERO HINDI PARIN MANIWALA ANG TAO PG WALANG HUMARAP SA INVESTIGASYON.. HANNGANG HAKA2X LANG YAN..
LikeLike
ikaw lang siguro ang hindi naniniwala
LikeLike
Iba tlaga ang tunay na witness na nagsasabi lang nang totoo,kaysa witness nila na nadiktahan lang,ikumpara sa witness na andon sa kongreso,yan ang totoo.
LikeLike