
Isa na namang gabi ng pagseserbisyo sa Pilipino ang nagawa ni Kuya Bong Go nang bumisita ito sa Cayetano Sports Complex kahapon, November 25, para suriin ang kalagayan ng mga biktima ng sunog sa Bagumbayan, Taguig.
Nag-ikut-ikot si Kuya Bong para kumustahin ang mga apektadong pamilya at tinatayang mga 550 katao na apektado ng sunog. Nagbigay din ng mensahe si Kuya Bong para patatagin ang loob ng mga ito sa pagsubok na pinagdadaanan nila ngayon.
Magbibigay naman ng mga uniporme at sapatos si Kuya Bong sa mga mag-aaral at nagtatrabaho para may magamit ang mga ito. Naghandog din ng mga sapatos at relo si Kuya Bong sa mga nasunugan habang sasagutin naman niya ang pamasahe ng mga gustong umuwi sa kani-kanilang probinsya. Ang lahat ng mga handog na ito ay mula sa mga kaibigan at taga-suporta ni Kuya Bong.
Makikipag-ugnayan naman si Kuya Bong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) at National Housing Authority (NHA) para madinig ang mga hinanaing ng mga nasunugan at para mabigyan sila ng tulong.
Isang labintatlong taong gulang na bata rin na may butas ang puso ang tutulungan ni Kuya Bong para sa operasyon nito sa Philippine General Hospital.
Inimbitahan naman ni Kuya Bong ang mga nasunugan sa FIBA basketball game ng Gilas Team Pilipinas laban sa Kazakhstan na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena ngayong darating na Biyernes, November 30.
Bago umalis si Kuya Bong, kinausap din niya ang mga Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) ng barangay sa labas ng sports complex na naging evacuation center ng mga nasunugan.
Muli, hindi papalampasin ni Kuya Bong ang pagkakataong mabisita at maiabot ang dapat na tulong sa mga biktima ng sakuna tulad ng sunog. Nagpapasalamat si Kuya Bong sa kanyang mga kaibigan at taga-suporta dahil sa walang tigil na pagsuporta sa kanyang mga adbokasiya. Maraming salamat din sa mga taong patuloy na naniniwala sa tunay na pagbabagong hatid ni Kuya Bong na ang tanging bisyo ay mag-SERBISYO!