Bagamat dapat pantaypantay lahat ng mga mamamayan sa harap ng batas, si Senadora Leila De Lima ay nakukuha ang gusto niya sa pamamaraan ng kanyang pagkaaresto. Nuong nakauwi na siya sa kanyang bahay, nalaman niya na ang CIDG arresting team ay papunta na sa kanyang subdivision. Dalidali naman siyang bumalik sa Senado sapagkat hindi naman daw magandang itsura na sa bahay niya siya arestuhin. Nuong pumunta naman ang mga pulis na dala ang arrest warrant para sa Senadora sa Senado, sinabi naman niya na sa pagsikat na lang daw ng araw siya dakipin sapagkat hindi raw siya kampante makuha habang madilim pa (mga hatinggabi iyon). Ngayong hindi pa rin siya sumusuko o hinuhuli, pumapalag naman siya sa kanyang paglalagyan sapagkat ayaw naman niya sa compound ng Philippine National Police dahil daw maraming nakakulong doon na siya ang nagsampa ng mga kaso. Kung siya ang pipili doon niya gusto sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, katapat ng Camp Crame kung saan siya dapat dalhin. Mala telenovela ang mga pangyayari ngunit ang pagtataray ni De Lima ay nagdudulot ng resulta kung saan humihingi siya ng simpatya mula sa publiko, ang tanong na lang ay kung may magpapapaniwala pa sa mga drama niya. Sa kabilang banada ang mga kaaway niya ay lalo lang nagngingitngit sa mga pinaggagagawa niyang pagikot sa batas. Umaasa ang marami na kapag nakakulong na si De Lima, level up na ang buhay niya sapagkat sa korte na siya maaring magpaliwanag sa halip ng sa press con.
******************
Muntinlupa court orders arrest of De Lima