Kitangkita ang pagbagsak ng katawan ni Senator Miriam Defensor Santiago dahil sa MALALANG KANSER sa kanyang baga. Sa unang araw ng kampanya palang sha humarap sa publiko kasama ang katandem nya. Hindi nya nadaluhan lahat ng mga dapat puntahan at maski sa kanyang talumpati halatang napagod sha at hirap ng makalakad pa. Malaki ang PAGHANGA ng marami sa katapangan ni Miriam na, kung tutuusin, sha ang tunay na nagwagi bilang pangulo nuong 1992 kalaban ang nadeklarang si President Fidel V. Ramos.
Tanyag din si Miriam sa Supreme Court Chief Justice Renato Corona impeachment trial at sa sikat nyang PICK UP lines na nakapagbibigay ng katuwaan sa maraming tao lalo pa sa mga bagets. Dahil sa talas ng kanyang kaisipan at tibay ng kanyang paninindigan, nararapat talagang maging panguulo si Senadora Miriam ngunit hindi lang PAGWAWAGI ang dapat nyang puntiryahin kundi ang kakayanang MAGSILBI ng anim na taon para sa ating bayan. Nagparinig pa nga sha na kung hindi sha makatapos ng kanyang termino dahil sa kanyang karamdaman may maari namang pumalit sa kanya. Sa aming pananaw hindi tugma na dahil may bise presidente, ang sinumang may malubhang karamdaman na hindi na inaasahang tumagal ng anim na taon ang natitirang buhay ay maari pa ring maghangad sa pinakamataas na posisyon sa ating bayan. Kung sabi nyang may kwalipikadong bise presidente naman, eh de dapat yung sinasabi nyang kwalipikadong kandidato ay ang dapat tumakbo bilang pangulo at hindi nalang umasa na uupo sa pwesto dahil sa pagkasawi ng alam na nating may malubhang karamdamang pangulo.
Lumalabas na LUHO nalang ang kagustuhan ni Miriam sa hinahangad na pwesto na malupit na nanakaw sa kanya nuong 1992. Parang gusto nyang ipamalas sa buong mundo na karapatan nyang manalo sa 2016 sapagkat napagkait sa kanya ang titulo nuong 1992. At sapagkat alam nya na kakaunti nalang ang mga natitirang araw nya sa lupang ibabaw, hangad nya ang tagumpay maski pa sa hukay nalang nya madadala ang pagupo sa trono. Hindi na kampanya ito para makapagsilbi sa bayan ng ANIM na taon kundi pakiusap ng isang maysakit kung pwede man lang shang maging Presidente maski isang araw man lang.
Masyado namang makasarili ang pananaw na iyan ngunit may pagkakataon pa ang kagalanggalang na senadora na gumawa ng napakalaking SERBISYO para sa BAYAN at ito ay ang PAGATRAS sa kanyang kandidatura at I-ENDORSO si Davao Mayor Rodrigo Duterte bilang manok nya sa pagkapangulo. Sa mahigpit na labanan ngayon kung saan si Miriam naman ay hindi nakakakuha ng mataas na survey rating, yung mga boboto sa kanya ay maari namang makapagpanalo ng iba dahil sa lapit ng mga boto nga apat na mga kandidato (Grace, Jojo, Mar at Digong). Nabanggit na dati ni Senator Santiago na si Mayor Duterte ang hinahangaan nya sa mga kandidato maliban sa kanyang sarili. Tatanawin ng buong bayan ang malaking utang na loob natin kay Miriam kung gagawin nya ang SAKRIPISYONG umatras para ipasa ang boto nya kay Digong. Sa kanyang pagpanaw (huwag naman sana), kikilalanin shang isang BAYANI sapagkat inatras nya ang sarili nyang kapakanan para naman sa BAYAN.
Sabi nga ni Heneral Luna – Bayan o Sarili. Ang dapat na sagot ng lahat ng MAKABAYANG Pilipino ay BAYAN MUNA bago ang sarili.
This calls for the most heroic leap in the life of Sen. Miriam, a gallant constitutionalist and a fiscalizer. For me, there is nothing more for the best senator in the histrory of Phil. politics, and the steadfast public servant to prove for the entire Filipinos. She already already earned it. May the four winds blow her a final valiant action.
LikeLike
Palakihin natin ang hanay natin sa pamamagitan ng pagsali (LIKE) ng mga pahinang hindi BIASED laban kay President Duterte. Like Like Like and Invite FRIENDS to Like the page. Maraming salamat po. Mabuhay ang Pilipinas. https://www.facebook.com/DuterteMRRD
LikeLike
please respect senator miriam she has a good plan for our country. but still im with duterte coz i know duterte can enforce the law very well . in the side of miriam i respect so much if she has a dream before she die let her tried it. she served our nation and all of us benefits it . coz of her we have an eye on the senate making laws to prevent corrupt officials humiliate our rights , and lastly i vow for her courage and honest governance. so respect her she has own decision RESPECT that. dont judge her coz she proved it that she is a good government official. thanks . . .
LikeLike
Palakihin natin ang hanay natin sa pamamagitan ng pagsali (LIKE) ng mga pahinang hindi BIASED laban kay President Duterte. Like Like Like and Invite FRIENDS to Like the page. Maraming salamat po. Mabuhay ang Pilipinas. https://www.facebook.com/DuterteMRRD
LikeLike