Trapong Belmonte Lilipat sa PDP Laban kung pananatiliing House Speaker

Ang KAPAL talaga ng MUKHA ni Quezon City 4th District Representative Belmonte na kasalukuyang Speaker of the House na nagsabi na kakalas na daw sha sa Liberal Party at lilipat sa PDP Laban basta sha pa rin ang papanalunin ng PDP Laban bilang Speaker. Si Belmonte ay ang campaign manager ng Liberal Party na sinuportahan ang nabigong kampanya ni Mar Roxas sa pagkapangulo. Dahil sa malaking panalo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang susunod na pangulo, ang PDP ang magiging dominant party sa Lower House na may halos 300 kongresista. Sa kasalukuyan, ang PDP ay may 3 representante lamang sa Mababang Kapulungan. Dahil ang mga pulitiko sa Pilipinas ay isang katerbang BALIMBING, biglang lolobo ang PDP Laban at maraming kongresista ay tatalon dito o sasanib sa isang alyansa na pamumunuan ng PDP Laban. Sa madaling salita, mas malamang kaysa hindi na makuha ng manok ng PDP na si Kongresista Alvarez ang pagka House Speaker. Eto namang si Belmonte ay umaasa pa na dahil ang Liberal Party ang may pinakamarming bilang sa Kamara ngayon ay sha parin ang mahahalal na Speaker. Hindi nya kunwaring alam na maraming kasamahan nya ngayon sa Liberal Party ay BABALIGTAD kaya wala shang pagkukunan ng boto. Uunahan na niya ang PAGLIPAT ng mga kapartido nya kaya nakikipagareglo sha na dadalhin nya ang maraming kasapi ng LP sa PDP Laban sa KUNDISYON na sha ang mamanukin ng PDP sa kanyang kasalukuyang pusisyon. Binara naman sha ni Digong na nagsabi na bagamat maari shang lumipat sa PDP, hindi sha ang susuportahan bilang Speaker. PADABOG tuloy si Belmonte na nagsabi na MANANATILI nalang sha sa Liberal Party. Tapos na ang maliligayang araw ni Belmonte bilang Speaker of the House. Malamang humina na rin sha sa Quezon City kung saan naghahari ang pamilya nya (DYNASTY). Tatlo ang papasok na kongresista (4th District, 6th District at party list na SBP) ni dating Mayor Belmonte. Marami pang mga kamaganak nya ang KONSEHAL sa ilang distrito ng Quezon city. Vice Mayor din ang anak nyang si Joy sa Lungsod Quezon. Sobra talaga sa pagka SWAPANG at GANID si Speaker Belmonte sa posisyon na maski dalawa na silang magkamaganak na kongresita (sha sa 4th at si Kit Belmonte naman sa 6th district), nagtayo pa si Speaker ng party list para madagdagan pa ang pamilya niya ng isa pang kongresista. belmonte pnoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s