DUTERTE: Bad Joke or Black Prop CAN NOT DERAIL Digong Victory

Sabit nanaman si Digong sa isang maling pagpapatawa. Eka ng POLITICALLY INCORRECT. Isang panggagahasa ay hindi nya binigyan ng tamang pagrespeto bagkos kabaliktaran ang pagtrato nya dito. Mali. Masagwa. Piyesta nanaman ang kangyang mga katunggali. Gaya ng pagmura niya sa Santo Papa, tumatanggap si Digong ng matinding pagbatikos. Pero dahil nalusutan nya ang POPE TRAFFIC JOKE, itong panibagong insidente ay lilipas din. Yung patawa nya laban sa Santo Papa ay nangyari sa UMPISA palang ng kanyang pagtanggap na tumakbo bilang Presidente. Number 4 palang sha sa mga survey noon kasi nga atras abante ang mga kilos at pananalita nya kaya ng lumagpas ang last day ng filing of his Certificate of Candidacy (October 16, 2015) nadismaya ang maraming tao. Nuon namang nagsubstitute sha bago ang huling araw ng pagpalit ng kandidato (December 10, 2015), natuwa naman ang kanyang mga tagasuporta. Nagulantang ang mga kakampi at kalaban ni Digong sa pagbanat nya sa Simbahang Katolika at ang pagmura nya sa Papa. Joke lang naman daw yon. Nasalba si Digong ng Facebook sapagkat nagkaroon sha ng plataporma kung saan sha nakasagot sa madaling panahon. Bagamat bugbog sha sa MAINSTREAM MEDIA, mas naging MAPAGPATAWAD ang netizens sa social media.

Ngayong number 1 na si Mayor Duterte sa lahat ng survey, hindi na sha kayang pabagsakin pa. Maging pangit na pananalita nya o INSENSITIVE STATEMENT o BAD JOKE o BLACK PROPAGANDA galing sa kanyang mga kalaban, nasasanay na ang mga botante na si Digong ay hindi isang santo (inaamin naman nya ito) at may kakayanang sirain ang kanyang sarila sa pamamagitan ng mali o bastos na pananalita. Alam na ng lahat yon. Kakampi man nya o kalaban, batid na nila yon. Ang tanong nalang ay kung siya pa rin ang pipiliin sa harap ng kangyang mga kakulangan. Sa aming pananaw, dahil sha lang ang nakikitang may KONKRETONG PROGRAMA (kurapsyon, krimen at droga) at KAKAYANAN para maisapatupad ito, sha pa rin ang IBOBOTO ng maraming tao.  2016 3 desperado

2 thoughts on “DUTERTE: Bad Joke or Black Prop CAN NOT DERAIL Digong Victory

  1. SI MAYOR,,,, PARANG “TRUE TO LIFE STORY” NI FPJ YAN……
    “MABUTING KAIBIGAN,,,,,MASAMANG KAAWAY”…
    GUMAWA KA NG KABUTIHAN,,,,,, KAIBIGAN MO SYA……
    PAG GUMAWA KA NG KASAMAAN,,,,,, KAAWAY MO SYA…..
    TANDAAN…..
    MASAMA SYANG KAAWAY……..
    SANA,,,, KAHIT MAHIRAP LANG AKO,,,,
    MAGING KAAGAPAY AKO SA PAGSUGPO NG KATIWALIAN AT MGA DRUG PUSHER NA YAN…..
    KASAMA KO SI MAYOR NYAN….
    KASI,,,,
    SIYA ANG PRESIDENTE KO…..
    WAG LANG MAIBALIK ANG MARSHAL LAW…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s