AlDub fan masama ang loob sa turing ni Jobert Sucaldito na mga BOBO sila

Dismayado ang AlDub Nation sa turing na mga BOBO sila mula sa walang pigil na BUNGANGA ng PALENGKERANG Kapamilya Jobert Sucaldito. Ayon sa mga Yaya Dub fanatics, wala sa lugar na inupakan sila dahil lamang sa paghanga nila sa Kalye Serye ng Eat Bulaga ng GMA7. Masama raw bang matuwa sa kapanipanibagong format (split screen) na naglunsad sa phenomenal AlDub love team. Batid naman ng AlDub Nation na ang punot-dulo ng labanan na ito ay ang RATINGS kung saan nakasalalay ang kapasidad na humakot ng ADVERTISERS at makakuha ng mas mataas na presyo ang mga programang pumapatok sa telebisyon. Dapat raw na lumaban ang ABS-CBN sa isang patas na paraan – magpasikat din sila ng kanilang programa at stars. Matagal din naman na nasa ulap ang mga Kapamilya shows at celebrities at malamang umabot na rin sa mga manonood ang SAWA factor, yung parepareho nalang na mga eksena na nagbigay naman ng pagkakataon para sa AlDub love team na itigil ang mundo para makapanood ng Kalye Serye. Doon naman sa sinabi ni Jobert na MALALAOS din ang AlDub at hindi na tatagal ang kasikatan nito ng isa pang buwan, para naman kasing gusto nyang BUMAGSAK, TUMUMBA at SUMADSAD sa ratings ang Kalye Serye, huwag naman sana. Hindi kasi gawain ng mga matitinong tao ang ipagdasal ang ikasasama ng mga kapwa tao. Mahirap naman talaga na maging NUMBER ONE FOREVER lalo pa sa matinding kompetisyon ng dalawang naglalakihang network pero ang dapat gawin ng lahat ng manonood ay lasapin nalang ang naibibigay na kasiyahan ng AlDub Nation at umasang manatili pa itong kaayaaya sa mas matagal pang panahon. #AlDub #AlDubNation #YayaDub #Trending #BreakingNews

Kapamilya Jobert Sucaldito called AlDub fans BOBO ( DUMB). He also predicted a CRASH in the AlDub ratings by next month.

Kapamilya Jobert Sucaldito called AlDub fans BOBO ( DUMB). He also predicted a CRASH in the AlDub ratings by next month.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s