Security Bank: ATM Hacking – alam na ng management, hindi pa inabisuhan ang mga kliyente kaya mas marami pa ang nanakawan

Security Bank: ATM Hacking – alam na ng management, hindi pa inabisuhan ang mga kliyente kaya mas marami pa ang nanakawan. Minabuting itago ng Security Bank management ang paunang impormasyon para hindi kumalat ang mapanirang balita. Sa ganoong pangyayari, mas marami pa tuloy ang mga kliyente nilang nilimas ang mga deposito sa pamamagitan ng CLONED ATM cards at CAPTURED PIN. Nagpiyesta ang mga hacker sapagkat na MAX OUT ang mga kliyente ng bangko ng halagang PHP 40,000 (ang maximun limit ng withdrawal sa isang araw).  Yung mas may kaya sa buhay na mga kliyente ay nabalikan pa muli ang kanitang mga deposito at nakunan ulit ng PHP 40,000. May ilang kliyente ring nakunan ng PHP 120,000 sa kabuuan (tatlong balik). Masama ang loob ng mga CORPORATE CLIENTS ng banko sapagkat kung nasabihan lang sila sa unang pagatake ng  mga hackers, hindi na muna sila naglagay ng pera sa mga ACCOUNTS ng mga nasa ilalim nila para mabigyan ang mga empleyado ng pagkakataon ng maBLOCK ang mga ATM ACCOUNTS nila. Katawatawa na binigyan pa ng bangko ng mas mabigat na importansha ang kanilang CORPORATE IMAGE sa halip na pangalagaan ang pera at kapakanan ng kanilang mga kliyente.Security Bank Megan YoungSa Security Bank advertisement sinabi ng endorser nilang si Megan Young (Miss World 2013) na siya raw ay nasa tamang relasyon sa kaniyang pinagbabangkohan. Mukhang hindi naman ito masasabi ng mga kliyenteng hindi naman nabigyan ng tamang abiso, sa tamang oras.

 

http://wp.me/p3QDQJ-Ke

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s